Tuesday, November 26, 2013

Kampo ng dethroned Mutya ng Pilipinas 2007, aapela sa interes sa hiling na damages


Posted by  Bombo RoxasFriday, 20 September 2013 04:09


      ROXAS CITY – Maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ng na-dethrone na si Mutya ng Pilipinas Esabela Cabrera matapos ipinag-utos ng husgado sa mga respondents ang pagbabayad ng P1.1 million na damages.

      Inihayag ng Capizeño na si Atty. Nelson Borja, ang abogado ni Cabrera, maghahain sila ng mosyon na mapataasan sa P2 million ang damages dahil sa lapse of time.
        Sinabi pa ni Borja na pinaboran ng hukom ang kanilang argumento na walang due process nang tinanggal ang titulo ni Cabrera dahil sa mga ebidensiya na hindi otorisado na mag-dethrone ang mga organizers at walang board of director's resolution sa pag-install sa first runner-up.

        Napag-alaman na ipinag-utos ni assisting Judge Ma. Rita Bascos Sarabia ng Regional Trial Court Branch 221 sa Quezon City ang pagbayad ng damages ng organizer, producer, co-organizer ng pageant at ng first runner-up na si Sheryll Moraga, na humalili kay Cabrera.

    No comments:

    Post a Comment